A sudden loneliness and Emptiness…
July 13, 2010Hindi ko maipaliwanag kung anung nararamdaman ko ngayon, basta pag gising ko na lng kninang umaga, sobrang kalungkutan ang naramdaman ko…
Masayahin, Matatag >>> yan ang pagkakakilala ko sa akin dahil ganito naman talga ako, pero habang sinusulat ko ito, Isa palang malungkot, mahina ang loob at Emosyonal na Geno pala ang totoo.
OO madami akong kaibigan madami akong barkada na nasa tabi tabi ko lng, marami akong pwedeng pagsabihan nga mga bagay bagay. OO nasasabi ko un sa knla, pero bkt ganito, ung sugat andito pa din, andito pa din… ang hirap palang maging masaya kahit malungkot ka, ang hirap pla maging matatag kahit alam mong isa kang marupok na kahoy, na mabasa lang ay aanayin na… ang hirap pala ng ganitong nararamdaman na khit may dahilan ka para maging masaya, malungkot ka pa din… Sa totoo lang ang hirap na nasa gitna ka ng karagatan na hindi mo alam kung san ka tutungo,wala kang magawa kundi sumabay sa agos at alon nito… Maraming beses na akong muntik ng malunod sa karagatan, pilit kong nilalangoy at nagpupumiglas para lang hnde ako malunod, pero sobrang nakakapagod din pala, sobrang nakakapgod na… na parang ang gusto mo na lang ay lumutang lutang sa ibabaw ng karagatan…
Sa totoo lang, hnde ko maintindhan sarili ko ngayon araw na ito, sobrang napkalungkot ko, sobrang ang dami kong na mimiss, sobrang maraming “sana.. sana.. sana…” ang aking nararamdaman… Parang gusto kong pumunta ng Laguna d Bay para lang sumigaw….
Maraming mga taong gusto kong pasalamatan dail sa pilit akong inaabutan ng sagwan para makaligtas sa pagkalunod, nagpapasalamat ako sa knlang lahat dahil sa walang sawang pagtulong at pag intinde sa akin…
Sana masabi ko na ang katagang “handa na ako, kaya ko na…”
- marakulyo
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


