Home » Post Item » For those who commute in Metro Manila!!! Be Aware!!!
If you treat an individual as if he were what he ought to be and could be, he will become what he ought to be and could be... - marakulyo

For those who commute in Metro Manila!!! Be Aware!!!

August 8, 2008

just want to share this to all commuters for your safety and awareness ;)

 

A True story from someone
Hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang. Akala ko
lang! Yun pala meron pang iba na nabibiktima ng ganitong sistema.
Paano na kung yun lang ang natitira mong pera at malayo pa pupuntahan
mo? Kawawa ka naman. Maglalakad ka.

Based on my own experience sa isang aircon bus….

Last September 6, 2007, 4 pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng
ticket going to Baguio sa Victory Liner Cubao. Sumakay ako ng aircon
bus from Victory Liner in Cubao to Robinson’s Galleria, going back sa
office in Ortigas. Ang pamasahe po ay P10 from Cubao to Robinson’s
Galleria at ako po ay nagbigay ng P100 sa kundoktor. Binigyan nya ako
ng ticket worth P10 at kinuha ung 100 pesos na binayad ko, sabay sabi
na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may
P.Tuazon (near araneta center) pinaalala ko uli ung sukli ko sa
konduktor. Tinanong nya ako, “san ka nga uli bababa?.” sumagot ako,
“sa may robinsons galleria lang!”. “Malayo ka pa naman eh, sandali
lang” Sabi ng kundoktor.

So pagdating ng VV Soliven, lumipat ako ng upuan (3rows before the
driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas
ave.) Kinukuha ko na ung sukli ko. Hindi kumibo ang kundoktor.
Luminga-linga lang, parang deadma ba?.

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight), tumayo ako at nilapitan ko

ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver. Hiningi ko ung sukli ko.

Eto ang sabi nya sa akin, “Patingin nga ng ticket mo?” sabay inabot
ko.

Sabi ng kundoktor, “Eh wala naman akong sinulat (note) sa likod ng
ticket mo tapos hihingi ka ng sukli!?! Tarantado ka pala eh!”. Medyo
nag-init ang ulo ko sa sinabi nya kaya sumagot ako, “Tarantado ka
rin! Kanina ko pa sinasabi na yung sukli ko sa P100 na binigay ko!”

Dun na kami nagkasagutan at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan
ako na “Pre, wala ka naman inaabot na ’san daang piso eh tapos hihingi
ka ng sukli!!!”

Tumayo ako malapit sa pinto, malapit sa driver at sinabi ko ung ginawa
nung kundoktor ‘nya.

Eto ang sabi nung driver, “Aba pare hindi ko alam yan. Baka naman wala
ka talagang binigay na P100 dun sa kundoktor ko.” Sa pagkakataong iyon
tatlo na ang nakikipagtalo sa akin - ung kondukto, ung driver at ung
isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver.

Sabi ko sa sarili ko agrabyado ako pag nakagulo kaya sinabihan ko ung
driver na bababa na ako. Sabi ko, “Buksan mo yung pinto. Bababa na
ako. Lalampas ako. Hindi ako makikipagbasagan ng mukha sa inyo sa
halagang P90 na sukli. Sa inyo na lang sukli ko.”

sa pagkakataong iyon, ‘ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng
POEA pero hindi nya binubuksan ung pinto hanggang sa umarangkada na
uli ung bus.

Sa may tapat ako ng Dolmar Building, harap ng Poveda malapit sa
Ortigas MRT Station, ako ibinaba na kung saan ay wala nang mga traffic
aide na mapagsusumbongan ng kalokohan nila.

After one month, nakalimutan ko na ung nangyari.

Last October 30, 2007, Tuesday around 6:15 pm pauwi na ako galing
ortigas going to Makati (Guadalupe tulay).

May isang babae na kasakay ko sa bus na nagrereklamo sa kundoktor
at driver na hindi rin binibigay ung sukli.

Sya daw ay galing sa may Timog at sya ay baba sa may Boni.

Naalala ko ung nagyari sa’kin nang biglang may lalaki na tumayo sa may
kabilang upuan at sinabihan ung babae na “Miss.. Miss, singkwenta
pesos lang yung binigay mo sa kundoktor. Kitang-kita ko.”

Sa galit nung babae akmang baba na sa may tapat ng Jollibee Boni nang
biglang isinara nung driver ung pinto at tsaka pinatakbo na matulin ung

bus hanggang sa makarating sa may tapat ng Pugon (bilihan ng tinapay
malapit na sa tulay).

Dun ko napagtanto ung nangyari sa’kin parehong-pareho ng ginawa dun sa
babae.

Bago ako bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola) tiningnan ko ung
driver, ung kundoktor at ung lalaki na kumatig dun sa kundoktor.

Magkaka-kilala pala sila at nagtatawanan pa.

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari. Pag sakay ko ng jeep
papuntang Delpan may mama na bumati sa akin. Sabi niya “Pare, akala ko
kanina tutulungan mo yung babae, yung hindi sinuklian. Kasi nakito ko
yung mga ka-kontsaba nung driver at nung kundoktor, ung isa hindi
nagsalita pero lumapit sa may likod mo. Kaya ako lumipat din ako. Kasi
2 years ago, naka-experience ako nang ganyan sa may Balintawak.
Sinaksak yung isang pasahero. Kawawa naman. Ganyan ang modus operadi
nila sa bus. Kaya nga kapag sumakay ako ng bus, palagi akong may
dalang baryang pangbayad.”

Samakatuwid, hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinang mo sa
bus. Kawawa naman tayo.

Sa inyong lahat, lagi po sana tayong mag-iingat.

Paki pasa na lang po baka makatulong kahit konti.
 

 

Please forward this as many as you can…
Posted by marakulyo at 11:39 am | permalink

Previous Comments

pre i bigay mo tong letter ng karanasan mo sa imbestigador gma7, kung alam mo ung bus liner na sinakyan mo mas mainam, para maimbestigahan at matigil at matanggal na ung mga hinayupak! na iyon sa trabaho. Mga tarando ung mga iyon!

Posted by Mike at August 29, 2008, 10:15 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment